Pangulong Marcos Jr., sinabi ang dahilan sa pagpili sa susunod na AFP chief

By Chona Yu July 20, 2023 - 08:04 AM

PCO PHOTO

Malakas na depensa at matalinong istratehiya sa gitna ng mga tensyong geopolitical.

Ito ang maging basehan ni Pangulong  Marcos Jr. sa pagpili kay Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Romeo Brawner para maging susunod na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines. Ayon kay Pangulong Marcos, kailangan ang mga ganitong kuwalipikasyon ng isang opisyal na mamumuno sa Hukbong Samdatahang Pilipinas para matiyak na maayos ang depensa ng bansa. Papalitan ni Brawner si Gen. Andres Centino na inanunsiyo na rin  na magiging Presidential adviser on the West Philippine Sea. “Umaasa tayo sa kanilang karanasan at tapat na serbisyo upang protektahan ang mamamayang Pilipino at ipaglaban ang soberanya ng bansa,” pahayag ni Pangulong Marcos. Sa ilalim ng Republic Act 11709, may tatlong taong termino ang AFP chief of staff maliban na lamang kung tatanggalin ng Pangulo.

TAGS: AFP, Chief of Staff, WPS, AFP, Chief of Staff, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.