CebuPac, 2023 3rd strongest Philippine brands – Brands Finance survey
Nasungkit ng Cebu Pacific (PSE: CEB) ang ikatlong puwesto sa “strongest brands in the Philippines for 2023.”
Nakakuha ang CEB ng Brand Strength Index score na 81.0, – AAA- rating, base sa 2023 report ng Brand Finance.
Pumuwesto naman ang CEB na ika-20 sa hanay ng “Philippines’ most valuable brands” ngayon taon at kauna-unahan para sa isang airline na mapabilang sa listahan.
“We are humbled and honored to be named among the strongest and most valuable brands in the Philippines. This affirms our commitment to making air travel more affordable and accessible for every kind of Juan,” sabi ni Candice Iyog, CEB Chief Marketing and Customer Experience Officer.
Ang Brand Finance, ang nangungunang brand valuation consultancy firm sa buong mundo.
Taon-taon ang pagpapalabas ng kanilang “most valuable and strongest brands” matapos ang survey sa higit 100,000 respondents para sa 4,000 brands.
“We are also grateful for the trust and confidence of our passengers. In this dynamic and challenging industry, this distinction will further motivate Cebu Pacific to constantly improve our services and ensure the best travel experience for our passengers, along with our commitment to provide safe, reliable, and affordable air transport for every Juan,” dagdag pa ni Iyog.
Sa unang tatlong buwan ngayon taon, nakapagtala na ang CEB ng 4.8 milyong pasahero at ngayon buwan lamang ay nakapagtala na sila ng 52% market share sa mga Filipinong pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.