Globe nagbigay ng P.3-M halaga ng bigas sa Mayon victims

By Jan Escosio July 18, 2023 - 02:33 PM

Tuloy-tuloy ang Globe sa pagsuporta para sa mga komunidad na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Kamakailan, nagbigay ang Globe ng P300,000 halaga ng 50 kilo ng bigas sa tanggapan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

Ang donasyon ay itinurnover sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional command center sa DPWH 2DEO Planning Warehouse sa Washington Drive, Legazpi City.

Magiging bahagi ang bigas ng relief packs na ipinamamahagi sa mga apektadong pamilya na nananatili sa evacuation centers.

Ang hakbang ay pagpapakita na aktibo ang Globe sa disaster response at suportado sa relief operations ng DSWD.

“We are committed to supporting the local government and national government agencies in their efforts to provide immediate relief to communities affected by the Mayon Volcano unrest,”  ani Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer, Globe Group.

Dagdag pa  niya: “As a trusted technology partner, we are utilizing our resources to meet the needs of the moment, and to help ensure that essential lifelines of food and social services are maintained during this challenging time.”

Nauna nang nagbigay ang Globe ng connectivity support sa pamamagitan ng Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi booths sa mga bayan ng Daraga, Guinobatan, at Malilipot. Ang Globe Prepaid at TM users sa mga apektadong komunidad ay nagkaroon din ng libreng one-day access sa unlimited calls at text sa lahat ng networks at 100MB ng data at panibagong 100MB access para sa Facebook, Viber, Whatsapp at Twitter.

TAGS: dswd, Globe, mayon, relief, dswd, Globe, mayon, relief

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.