Pagbalik ng pagrarasyon ng tubig depende sa pag-ulan

By Jan Escosio July 18, 2023 - 11:08 AM
Ngayon ay balik-normal ang suplay ng tubig dahil sa pag-angat ng antas ng tubig sa Angat Dam, ngunit maaring maging pansamantala lamang ito.   Sinabi ni Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga na maaring ibalik ang pagrarasyon ng tubig depende sa pag-ulan.   Nilinaw din ni Yulo-Loyzaga na wala pang krisis sa tubig, ngunit kailangan na magtipid ng husto.   Bunga ng pag-ulan ng ilang araw dahil sa bagyong Dodong at habagat tumaas ang antas ng tubig sa Angat Dam bagamat wala pa sa maituturing na normal.   Ngunit ang karagdagang tubig ay para lamang sa isang linggo na konsumo ng Metro Manila.   “What will happen is if it doesn’t improve, we have few more days of water supply na medyo maaayo-ayos pa. But if the rainfall doesn’t continue, talagang babalik po tayo sa rationing,” sabi ni Yulo-Loyzaga.

TAGS: Angat Dam, environment, news, Radyo Inquirer, Angat Dam, environment, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.