5,000 plastic driver’s licenses darating bago ang SONA

By Jan Escosio July 18, 2023 - 08:22 AM

 

Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., ay may dadating na 5,000 plastic driver’s license.

Ayon kay LTO officer-in-charge Hector Villacorta, tiniyak ng Banner Plasticard, Inc., na kaya nitong gumawa ng 15,000 hanggang 30,000 plastic cards kada araw sa loob ng 10 araw.

Bahagi ito aniya ng pangako ng kompaniya na makapagpalabas ng isang milyong plastic cards sa loob ng 60 araw.

Sinabi ni Villacorta na magiging bahagi ng kasaysayan na lamang ang inilabas nilang lisensiya na gawa sa papel.

Mga overseas Filipino workers (OFWs) at bagong aplikante ang unang bibigyan ng plastic license cards.

Aniya nabisita na niya ang pabrika ng kompaniya sa lungsod ng Pasig.

TAGS: Driver's license, lto, news, plastic, Radyo Inquirer, SONA, Driver's license, lto, news, plastic, Radyo Inquirer, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.