29 na Pinay nailigtas sa Malaysia nightclub

By Jay Dones June 23, 2016 - 04:18 AM

 

malaysia 2Nasagip ng mga otoridad ang nasa 29 na mga Pilipina na iligal na nakapasok sa Malaysia at pinagtatrabaho bilang mga guest relations officers (GRO) sa ilang nightclub doon.

Ayon sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, nakatanggap sila ng tip na sapilitang pinagtatrabaho bilang mga GRO ang mga Pinay kaya’t agad silang dumulog sa mga Malaysian authorities para sa isang rescue operation.

Dalawang club ang sinuyod ng mga otoridad sa bayan ng Bintulu sa Sarawak kung saan nasagip ang 29 na Pilipina.

Nagawang makapasok ng mga Pinay sa Malaysia gamit ang mga tourist visa at pinapalitan ito ng employment visa ng kanilang mga illegal recruiter pagpasok sa bansa.

Gayunman, sa ilalim ng Malaysian law, ipinagbabawal ang pagpapalit ng mga social visit o tourist visa tungong employment visa.

Sa naturang operasyon, tatlong recruiter ng mga Pinay ang inaresto at sasampahan ng kaukulang kaso.

Mananatili naman pansamantala sa isang women’s shelter ang mga nasagip na Pinay habang isinasagawa ang imbestagasyon sa kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.