Matapos matakasan ng preso na Abu Sayyaf member, dalawang pulis kinasuhan
Nahaharap ngayon sa kasong administratibo ang dalawang pulis ng Zamboanga City PNP matapos silang matakasan ng isang akusado na miyembro ng ASG at kasapi rin ng KFR group kahapon.
Ayon kay Sr. Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga City Police, pansamantalang sinibak sa pwesto at pinagpapaliwanag sina SPO4 Montasil Amirul at SPO1 Mario Lafuente.
Ani Galvez, alas-dose nang tanghali kahapon nang makatakas ang mga akusado mula sa pagdinig sa korte
In-escortan ng mga pulis sa korte ang akusadong si Alhnur Usup alyas Arab, 28 anyos na miyembro ng kidnap for ransom group at bandidong ASG, at ang kasama nitong si Jamal Labuan.
Pinagtulungan umano nina Usup at Labuan ang nag-iisang bantay na pulis sa loob ng L300 van hanggang sa makatakas ang mga ito.
Si Usup ay may warrant of arrest para sa kasong murder dahil sa pagkakasangkot nito sa Talipao massacre incident noong 2014 at nahuli noong June 1 ngayong taon .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.