Mga customer ng Manila Water, walang mararanasang water interruption

By Chona Yu July 14, 2023 - 02:26 PM

 

 

Walang mararanasang water interruption ang mga customer ng Manila Water Company.

Ayon kay Jeric Sevilla, tagapagsalita ng Manila Water, 24/7 ang suplay ng tubig sa Metro Manila.

Kung magkakaroon man aniya ng water interruption, hindi dahil sa ibinabang alokasyon na 48 cubic meters per second kundi dahil sa regular at preventive maintenance lamang.

Panawagan ni Sevilla sa publiko, ipaabot sa kanilang hanay sa pamamagitan ng social media accounts kung mayroong mga tubo na tumatagas na kailangang ayusin o palitan.

Sinabi pa ni Sevilla na tuwing 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw ginagawa ang pag-aayos ng mga tubo para hindi makaabala sa mga customer.

Naka schedule na rin aniya ang kanilang mga preventive maintenance.

Sabi ni Sevilla, ginagawa nila ito para masiguro na magiging maayos at walang bara ang mga tubo at maging maayos ang pagdaloy ng tubig sa bawat tahanan.

TAGS: Jeric Sevilla, manila water, news, Radyo Inquirer, water interruption, Jeric Sevilla, manila water, news, Radyo Inquirer, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.