Sen. Revilla kinalampag ang DPWH, MMDA sa pagbaha sa Metro Manila

By Jan Escosio July 14, 2023 - 08:29 AM

 

 

Nais ni Senator Ramon Revilla Jr., na tukuyin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang puno’t dulo ng mabilis na pagbaha kahapon sa maraming bahagi ng Metro Manila.

Ipinagtataka din ng senador ang mabagal naman ng paghupa ng tubig baha.

Binalikan ni Revilla ang pahayag ng DPWH sa isang pagdinig sa Senado noong nakaraang Marso na handang-handa na ang kagawaran sa mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan.

“Hinahanap kasi ng mga tao ‘yung sinasabi ng DPWH na kabuuang 13,224 flood control structures na inihanda nila sa buong bansa, hindi na dapat kasi nangyayari ang ganitong problema kaya dapat ayusin sa lalong madaling panahon” ani Revilla, ang namumuno sa Senate Committee on Public Works.

Nagdulot ng matinding traffic ang paglubog sa baha ng mga kalsada sa Metro Manila.

Pinakamalala ang naging sitwayon sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) na halos maghapon na usad-pagong mula sa Sta. Rosa City sa Laguna na humaba hanggang Crossing, EDSA.

TAGS: baha, Metro Manila, news, Radyo Inquirer, ramon revilla, baha, Metro Manila, news, Radyo Inquirer, ramon revilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.