LTFRB may apila sa transport groups sa tatlong araw na tigil-pasada

By Jan Escosio July 13, 2023 - 07:21 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Umapila ang  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  sa transport groups na huwag nang ituloy ang binabalak na tatlong araw na tigil pasada ngayon buwan.

Ang binabalak na tigil-pasada ay kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., sa Hulyo 24 at tatagal hanggang Hulyo 26.

Sinabi naman ni LTFRB Board Member Mercy Jane Paras-Leynes na sakaling matuloy ang hindi pagpasada ng mga pampublikong-sasakyan, handa sila na bigyan ng alternatibong masasakyan ang mga komyuter.

“Nanawagan kami na hindi sana matuloy yung transport strike kasi ang hindi natin nakikita dito, hindi lang naman ito tungkol doon sa modernization tsaka yung mga stakeholders natin na affected by the implementation of the program,” pakiusap ni Leynes.

Aniya nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Transportation (DOTr) at sa iba pang kinauukulang ahensiya para sa mga maaapektuhang mananakay ng mga pampublikong transportasyon.

TAGS: ltfrb, SONA, tigil pasada, transport groups, ltfrb, SONA, tigil pasada, transport groups

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.