Pagpapanumbalik ng death penalty, walang atrasan-Duterte

By Jay Dones June 23, 2016 - 12:06 AM

 

death-penalty-0517Hindi mapipigilan ng sinuman ang plano ng susunod na pamahalaan na ibalik ang pagpapatupad ng parusang kamatayan.

Ito ang pahayag ni incoming president Rodrigo Duterte sa kabila ng mariing pagkontra dito ng Simbahang Katolika at maging ng ilang mga human rights groups.

Sa pagdalo ni Duterte sa inaugurasyon ni Senator-elect Manny Pacquiao sa Sarangani, iginiit ni Duterte na nais niyang ibalik ang bitay para pagbayaran ng kriminal ang kanyang naging kasalanan.

Giit pa ni Duterte, hindi isang uri ng pagpigil sa krimen ang death penalty.

Ito ay ang pagpapanagot sa isang kriminal sa kanyang nagawang kasalanan.

“You are equipped with your mental faculty. Iyong death penalty to me is the retribution. Magbayad ka sa ginawa mo,” paliwanag ni Duterte.

Una nang naging bahagi ng plataporma ni Duterte ang maibalik ang pagpapatupad ng death penalty sa oras na siya ang manalo sa eleksyon.

Ito ay sinalubong ng negatibong reaksyon mula sa Simbahang Katolika at sa mga human rights advocates.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.