Gun ban sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon sa PBBM 2nd SONA – PNP

By Jan Escosio July 12, 2023 - 10:45 AM

INQUIRER PHOTO

Magpapatupad ang pambansang pulisya  ng gun ban sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon kaugnay sa ikalawang  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., sa Hulyo 24.

Epektibo ang pagbabawal sa anumang uri ng baril sa nabanggit na araw simula alas-12:01 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi.

Bahagi ito ng ipapatupad na seguridad ng PNP sa muling pag-uulat sa bansa ng Punong Ehekutibo.

Una nang sinabi ni PNP Chief Benjamin Acorda na humigit-kumulang 23,000 pulis ar force multipliers ang ipapakalat para tiyakin na magiging maayos at payapa sa naturang araw.

Ayon pa kay Acorda papayagan ngunit lilimitahan naman ang mga kilos-protesta sa mga itatakdang lugar.

TAGS: Gun ban, PNP, SONA, Gun ban, PNP, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.