Posibleng LPA binabantayan ng PAGASA

By Jan Escosio July 11, 2023 - 01:20 PM

Tinutukan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang  “cloud cluster” silangan ng Pilipinas dahil sa posibilidad na maging  low pressure area (LPA).

Ayon kay weather specialist Obet Badrina nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang “cloud cluster”  atmaaring lumapit pa sa bansa na maaring magdulot ng maulap na papawirin sa silangan bahagi ng Luzon at Visayas sa mga darating na araw.

Dagdag pa nito maaring umigting muli ang habagat sa mga susunod na araw at magpapa-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.

Magiging mainit naman sa Luzon maliban sa manakanakang mahinang pag-ulan sa hapon at gabi.

Samantala, maaring magdulot pa rin ng pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa ilang bahagi ng bansa ang intertropical convergence zone (ITCZ).

 

TAGS: habagat, ITCZ, Pagasa, habagat, ITCZ, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.