Naghain na ng SOCE o statement of contributions and expenditures (SOCE) si Manuel “Mar” Roxas II huling araw bago mapaso ang extended deadline na inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec).
Si Liberal Party spokesperson at Akbayan Rep. Barry Gutierrez at si LP counsel Romulo Macalintal ang naghain ng SOCE ni Roxas sa Comelec sa Maynila.
Sakay ng isang truck ang limampung mga dokumento nang dumating sa Comelec, Miyerkules ng umaga.
Sa kanyang SOCE, gumastos ng P487 million si Roxas sa kanyang kampanya, habang tumanggap naman ng P469 million donasyon ang dating kalihim para sa kanyang kampanya.
Una namang nilinaw ni Gutierrez na kaya sila natagalan ay kailangan pa nilang ipa-scan at ilakip ang napakaraming dokumento.
Nais daw ni Roxas na makatotohanan ang kanyang ipapasang SOCE.
These boxes contain Mar Roxas' SOCE, which will be submitted to Comelec today. pic.twitter.com/qKEQymOk5C
— jocelyn uy (@mj_uyINQ) June 22, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.