Maharlika bill pipirmahan bago ang SONA – Budget chief

By Chona Yu July 05, 2023 - 06:58 PM

Lalagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang kanyang pet bill na Maharlika Investment Fund Act o House Bill 6608  bago ang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 24.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, itinutulak ng economic team na malagdaan ang panukala bago ang SONA at naiendorso na ito sa  Office of the President ang Maharlika Bill.

Magugunita na Disyembre noong nakaraang taon nang itulak ni Pangulong Marcos  Jr., ang Maharlika Investment Fund para mapondohan ang mga proyekto ng gobyerno.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil na bukod sa Maharlika bill, hinihintay na lamang din na malagdaan ni Pangulong Marcos Jr., ang Department of Health Specialty Centers Act o House Bill 7751 at New Agrarian Eancipation Act o House Bill 6336

TAGS: bill, Budget, Investment, Maharlika, bill, Budget, Investment, Maharlika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.