Humigit kumulang sa 20 priority bills ang ipapasa ng Kongreso sa Disyembre 2023.
Pahayag ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman matapos ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting na ipinatawag ni Pangulong Marcos Jr. ngayong araw sa Malakanyang.
Kabilang sa mga prayoridad na panukalang batas ang Build-Operate-Transfer Law, Public-Private Partnership bill, National Disease Prevention Management Authority, Internet Transactions Act or E-commerce law, Medical Reserve Corps, Virology Institute of the Philippines, Mandatory Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) at National Service Training Program (NSTP).
Isusulong din aniya ang panukalang batas na palakasin ang indistriya ng asin, Valuation reform, E-government or E-governance Act, E-Sustain Taxes, National Government Rightsizing program, Unified System of Separation, Retirement and Pension ng military and uniformed personnel, LGU classification, Waste to energy bill, New Philippine Passport Act, Magna Carta of Filipino Seafarers, National Employment Action Plan, at Amendment to the Anti-agricultural Smuggling Act.
May dalawang bagong panukalang batas na isinusulong ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Bank Deposit Secrecy Bill at Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).
Sabi ni Pangandaman, ang Pilipinas at Lebanon na lamang ang mga bansa sa buong mundo na walang Bank Secrecy law.
Pero noong nakaraang taon aniya, naipasa na ng Lebanon ang naturang panukalang batas kung kaya kailangan na maghabol ngayon ng Pilipinas.
Aniya malaking tulong ang batas sa bank secrecy para sa money laundering cases, terorismo at iba pa dahil maaaring busisiin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bank account.
Ang AFASA naman ay makatutulong para labanan ang cybercriminal o phishing na lumusot na sa Kamara at nakabinbin ngayon sa Senado.
Malaking tulong ang panukalang batas sa mga nabibiktima o mga nawawalan ng pera sa Gcash at bank account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.