Maharlika Investment Fund bill tinanggap ng Malakanyang
Natanggap na ng Malakanyang ang kopya ng panukalang batas na Maharlika Investment Fund bill.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Operations Secretary Cheloy Garafil.
Ayon kay Garafil, ang Office of the Deputy Secretary for Legal ang tumanggap ng Maharlika bill, kahapon, Hulyo 4.
Layunin ng panukala na gamitin ang state assets para ipuhunan at makalikom ng dagdag na pondo ang gobyerno.
Hindi naman tinukoy ni Garafil kung kailan lalagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang Maharlika bill para maging ganap na batas o kung ito ay kanyang ibe-veto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.