Konstruksyon ng Clark Multi-Specialty Center sisimulan na
Aarangkada na ang groundbreaking ceremony ng Clark Multi-Specialty Center sa Hulyo 17.
Ito ang inanunsiyo Health Sec. Ted Herbosa sa pulong-balitaan sa Malakanyang at aniya may lupa mula sa Clark Development Corporation na pagtatayuan ng ospital, bukod sa may plano at disenyo na.
Binabalak ng gobyerno na magtayo ng extension ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute at Lung Center of the Philippines.
Magsisimula aniya ito bilang general hospital hanggang sa maging specialty hospital.
Dagdag pa ng kalihim, itatayo ang ospital sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).
Matatandaang sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., sinabi nito na target ng kanyang administrasyon na magtayo ng mga specialty hospital sa buong bansa para hindi na dumayo sa Metro Manila ang mga may sakit sa puso, baga at bato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.