CA ibinasura ang apila ng “Pastillas scam” personnel

By Jan Escosio July 04, 2023 - 12:31 PM

 

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Office of the Ombudsman sa kaso ng mga opisyal na sangkot sa sinasabing “Pastillas scam.”

Ibinasura ng CA ang ang desisyon na “guilty” sina Bureau of Immigration – Traffic Control and Enforcement Unit personnel Deon Carlo Albao, Danieve Binsol, Fidel Mendoza at Chevy Chase Naniong sa mga reklamong grave misconduct.

Sa 27-pahinang desisyon, sinabi ng CA 5th Division na may sapat at makatuwirang basehan ang Ombudsman sa naging desisyon sa mga reklamo.

Ang mga nabanggitay kabilang sa 18 tauhan ng kagawaran na inalis sa serbisyo ng Department of Justice (DOJ) noong nakaraang taon dahil sa naturang modus sa airport.

Ibinaba naman ng CA sa anim na buwan ang suspensyon kay Senior Immigration Officer Grifton Medina dahil naman sa reklamo neglect of duty bunga nang kabiguan na aksiyonn ang katiwalian ng kanyang mga kasamahan.

TAGS: court of appeals, news, Radyo Inquirer, scam, court of appeals, news, Radyo Inquirer, scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.