State of calamity sa Maguindanao del Sur dahil sa pagbaha

By Jan Escosio July 03, 2023 - 05:15 PM

Kalahati ng Maguindao del Sur ang lubog sa tubig baha.

Bunga nito inilagay ang buong lalawigan sa ilalim ng state of calamity.

Nabatid na 12 sa 24 bayan sa lalawigan ang lubog sa baha simula noon pang nakaraang linggo at 223,000 indibiduwal ang apektado.

Inaprubahan ni Maguindanao Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panglalawigan noong nakaraang Biyernes na nananawagan na magdeklara ng state of calamity sa lalawigan.

Sinabi ni Tim Ambolodo, ang namumuno sa  Provincial Disaster Risk Reducton and Management Office, na may 44,722 pamilya  mula sa mga komunidad na nasa paligid ng  Liguasan marshland.

TAGS: baha, maguindanao, State of Calamity, baha, maguindanao, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.