$1 bilyong loan agreement para sa Davao Public Transport Modernization Project selyado na
Isang bilyong dolyar na loan agreement ang nilagdaan ng Pilipinas at Asian Development Bank.
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa loan agreement nina Finance Secretary Benjamin Diokno at ADB Country Director for the Philippines Pavit Ramachandran ang loan agreement sa Davao City.
Gagamitin ang pondo sa pagtatayo sa Davao Public Transport Modernization Project.
Nasa 1,100 na modernong bus ang balak na bilhin para sa nasabing proyekto kung saan nasa 800,000 na pasahero ang makikinabang kada araw.
Sabi ni Pangulong Marcos, kapag natapos ang proyekto, nasa 29 ruta na magkokonekta sa major commercial centers sa Davao City ang makikinabang.
Taong 2010 pa ginawa ang plano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.