Isang volcanic earthquake, 296 rockfall events, pitong dome collapse pyroclastic events at dalawang lava front collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon ng mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.1 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.3 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater.
Nasa 595 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan sa magdamag.
Nasa 1000 metrong taas ng plume ang ibinuga ng bulkan na may katamtamang pagsingaw. Napadpad ito sa kanluran-hilagang kanluran, hilaga-hilagang kanluran at hilagang silangan.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.