WATCH: Sitwasyon sa San Miguel Heights Elementary School sa Valenzuela

By Chona Yu June 22, 2016 - 08:48 AM

San Miguel Heights Elem School, Valenzuela City / Chona Yu
San Miguel Heights Elem School, Valenzuela City / Chona Yu

Sa San Miguel Heights Elementary School sa Valenzuela South District, mayroong 1,200 batang mag-aaral ang makikiisa sa shake drill.

Ayon kay Riza Escuvido, Principal ng naturang paaralan, nakahanda na ang mga kagamitan kung saan may nakaantabay na stretcher.

Ang stretcher na gagamitin ay kumot lamang na ipinulupot sa dalawang bakal, may mga hard hat, first aid kit, fire extinguisher, megaphone at mga pito.

Mayroon ding mga guro ng paaralan kung saan sinanay sa disaster preparedness at pagbibigay ng first aid.

Ang mga estudyante ay pinagdala ng improvised head gear na gawa sa floor mat, tinahi at itinatakip sa ulo ng mga bata.

 

 

TAGS: Metro Manila shake drill, Metro Manila shake drill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.