Ex-PNP Chief Razon absuwelto sa dalawang kaso sa Sandiganbayan

By Jan Escosio June 27, 2023 - 10:50 AM

 

 

 

Inquirer File Photo

Ibinasura ng Sandiganbayan ang dalawang kasong kriminal na isinampa laban kay dating PNP Chief Avelino Razon Jr.

Ngunit ibinasura naman ng anti-graft court ang inihain ni Razon na demurrer to evidence sa kinahaharap na apat pang kaso.

Ito ay may kaugnayan sa diumanoy maanomalyang P409.7 milyon na ibinayad para sa pagsasa-ayos at pagbili ng makina at spare parts ng 10 units ng V-150 Light Armored vehicles noong 2007.

Sa 272 pahinang resolusyon, tinanggap din ang inihaing demurrer to evidence nina P/Dir. Geary Barias, P/SSupt. Emmanuel Ojeda, P/SSupt. Reuel Leverne  Labrado, P/Supt. Warlito  Tubon, P/Supt. Rainier Espina, P/Supt. Henry  Duque, P/CInsp. Analee  Forro, NUP Eulito  Fuentes, NUP Alex. Barrameda, at Oscar Madamba para sa Sandiganbayan case SB-13-CRM-0772.

Isinulat ang resolusyon ni Associate Justice Bayani Jacinto at sinang-ayunan nina Fourth Division Chairperson Michael Frederick  Musngi at Associate Justice Lorifel L. Pahimna.

Nakabinbin naman ang mga kaso nina  P/CSupt. Teodorido  Lapuz IV, SPO4 Alfredo  Lavina, Marianne Jimenez, Rasita S. Zaballero, at Artemio B. Zuniga hanggang sa sila ay maaresto at humarap sa korte.

Ang mga akusado ay inireklamo ng paglabag sa Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act;  Revised Penal Code at R.A. No. 9184 o ang  Government Procurement Reform Act.

TAGS: news, Radyo Inquirer, razon, sandiganbayan, news, Radyo Inquirer, razon, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.