Estrada tutol sa pagbibigay ng temporary license sa nursing graduates

By Jan Escosio June 27, 2023 - 08:35 AM
Mapait sa panlasa ni Senator Jinggoy Estrada ang plano ng Department of Health (DOH) na bigyan ng temporary license ang mga nursing graduates, na hindi pa nakalusot sa board exams.   Katuwiran ni Estrada, kailangan na pag-aralan munang mabuti ang plano dahil buhay ang nakataya.   Dagdag niya, dapat ay ipaubaya sa mga propesiyonal ang pangangalaga sa buhay ng pasyente.   Nararapat din aniya na unahin na bigyan ng trabaho ang 18,000 bagong nursing board passers na narito pa sa Pilipinas.   Pagbabahagi pa ni Estrada, binabalak niya na maghain ng panukalang batas kung saan magbibigay ng scholarship ang gobyerno sa mga nais kumuha ng kusrong nursing, kapalit nang pagta-trabaho sa government hospital kapag sila ay nakatapos at nakakuha ng lisensiya.

TAGS: Jinggoy Estrada, news, nurses, Radyo Inquirer, Jinggoy Estrada, news, nurses, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.