Rice Tarrification Law kinilala ng World Bank, Sen. Cynthia Villar natuwa

By Jan Escosio June 26, 2023 - 05:58 PM

FILE PHOTO

Napatunayan na tama ang pagsusulong ni Senator Cynthia Villar ng Rice Tarrification Law.

Kasunod ito ng pagkilala ng World Bank (WB) sa naturang batas bilang “strategy policy reform” kasabay nang paglulunsad ng “Agriculture Public Expenditures Review.”

Dumalo sa pagtitipon sina WB Operations Manager Mr. Achim Fock, at ang European Union (EU) ay kinatawan ni Head of Cooperation EU Delegation to the Philippines Christoph Wagner, gayundin sina WB Senior Agriculture Economist Anuja Kar at WB Practice Manager Dina Umali-Deininger.

Pinuri naman nina Philippine Institute for Development Studies (PIDS) Senior Research Fellow Dr. Roehlano  Briones at Bangko  Sentral ng Pilipinas (BSP) Monetary Board Member Dr. V. Bruce  Tolentino ang batas dahil napapaghugutan ito ng P10 bilyon kada taon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ang mga kinikita mula sa taripa ay ibinabahagi sa mga magsasaka na kabilang sa Registry System of Basic Sectors (RSBSA)bilang tulong sa pagkakaroon ng mga makinarya, high quality inbred rice seeds, pagsasanay at pautang.

Naging ganap na batas ang RA 11203 noong 2019.

TAGS: rcef, rice tariffcation law, Villar, world bank, rcef, rice tariffcation law, Villar, world bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.