Sa nakalipas na 24 oras at sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayo, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 102 volcanic earthquakes, 263 rockfall events at 8 Dome-collapse pyroclastic density current event.
Nabanggit din sa 5am Mayon bulletin ng Phivolcs ang pamamaga ng bulkan, na maaring senyales ng pag-iipon ng magma sa bibig nito.
Nanatiling nasa 1.3 kilometro haba ng lava flow sa Mi-isi Gully, samantalang 2.2 kilometro naman sa Bongga Gully.
Kahapon, Hunyo 25, nasukat sa 925 tonelada ang ibinugang sulfur dioxide ng bulkan.
Ang katamtamang pagsingaw naman ay umabot sa 900 metro ang taas at napadpad sa gawing kanluran.
Nanatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.