Marcos sa Special Forces Regiment: Suportahan ang mga Filipino lalo na sa panahon ng krisis
(Photo: PPA)
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ttauhan ng e Special Forces Regiment Airborne (SFRA) ng Philippine Army na patuloy na suportahan ang taong bayan lalo na sa panahon ng krisis.
Sa talumpati ng Pangulo sa 61st anniversary ng SFRA sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija, sinabi nito na makaaasa ang kanilang hanay na susuportahan ng pamahalaan ang SFRA at ng kanilang pamilya.
Sabi ng Pangulo, ginagamit na ngayon ng pamahalaan ang Riverine Operations Equipment Project (ROEP) para mapalakas pa ang kapabilidad ng SFRA lalo na sa riverine operations, o ang insertion at extraction ng special forces troops para sa rescue at iba pang special military operations.
“On this note, we enjoin you to keep aiding fellow Filipinos by supporting them in times of crisis. Ensure their safety and well-being during operations and uphold the moral of the people that you serve,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“May you all continue to train and empower yourselves in maintaining your standing as experts of unconventional warfare strategies,” dagdag ng Pangulo.
Dumalo sa okasyon sina National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr, Special Assistant to the President Sec. Anton Lagdameo, AFP chief Gen. Andy Centino, Philippine Army Commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., Northern Luzon Commander Lt. Gen, Fernyl Buca, at Special Action Force Regiment Airborne Brig. Gen. Ferdinand Napuli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.