AC-DC na reporter nabuking ng girlfriend – Wacky Leaksni Den Macaranas

June 22, 2016 - 04:58 AM

 

den-macaranas1On the rocks ngayon ang relasyon ng isang reporter sa kanyang girlfriend dahil sa nabisto ng GF pinakatatagong misteryo ng kanyang BF.

Sinabi ng ating Cricket na makaraan ang mahaba-haba ring panahon ay nadiskubre ni Girl na hindi pala tunay na Boy kundi may pagka-girl din ang kanyang Boyfriend.

Nauna na ring natuklasan ng GF na hindi pa pala ngumunguya ng dahon ng bayabas itong si Kuyang…if you know what I mean.

Bagama’t noong una ay kaya raw niyang tanggapin ang pagkatao ng kanyang karelasyon, pero ang mga kaibigan daw mismo ni GF ang nagsabi na matagal na nilang nararamdaman na hindi puro kundi nagpapanggap lamang na lalaki ang kanyang BF.

Duda pa ng ilan sa kanyang kaibigan na baka ginagamit lamang siyang taguan ng tunay na pagkatao ng kanyang kasintahan.

Lalong lumayo ang damdamin ni GF sa kanyang BF nang matuklasan niyang makailang beses na palang nakipag-relasyon ang kanyang kasintahan sa kapwa lalaki nito.

In fairness, sinabi ng ating Cricket na pilit namang pinaglabanan ni Mr. Reporter ang kanyang pagkalalaki pero lagi siyang dinadaig ng kanyang pusong babae lalo na kapag may nakikilala siyang guwapitong adan.

Sinabi pa ng ilan sa kanyang mga kaibigan na malamang ay alam na rin ng mga magulang ni BF ang kanyang tunay na pagkatao pero nagpa-panggap na lamang silang walang alam o dedma na lang ika nga.

Minsan na ring nalagay sa kontrobersiya ang pangalan ni Mr. Reporter dahil nasangkot siya sa isang isyu ng corruption.

Tumanggap kasi siya ng mga mamahaling regalo mula sa isang baklang local official na kanyang na-cover ng ilang araw dahil sa isang malaking balita sa kanilang lalawigan.

Doon naglabasan ang iba pang mga malansang balita tungkol sa kanyang pagkatao.

Na kahit daw ano ang kanyang gawing pagtatago ay hindi niya kayang takpan ang tunay niyang pagkatao.

Wala naman kasing masama sa pag-amin ng katotohanan kesa naman nagmumukhang siyang clown sa mata ng karamihan ayon pa sa ating Cricket.

Ang bistadong mediaman na subject sa ating blind item ngayong araw ay si Mr. A….as in Amapola.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.