Gobyerno ang dapat unang tumangkilik sa mga produktong-Pinoy sabi ni Angara

By Jan Escosio June 23, 2023 - 10:57 AM

 

Dapat magsilbing magandang halimbawa ang gobyerno at unang tumangkilik sa mga lokal na produkto.

Ito ang sinabi ni Sen. Sonny Angara at aniya ang mga unang dapat gamitin ng mga ahensiya ng gobyerno ay mga kagamitan na gawa sa Pilipinas.

Aniya sa ganitong paraan ay masusuportahan pa at uunlad ang lokal na industriya.

Sa pagdinig ukol sa Senate Bill No. 2218 o ang isinusulong na Tatak Pinoy Act, sinabi ni Angara na dapat ay magkaroon ng polisiya para sa suporta ng gobyerno sa mga lokal na industriya.

Inihalimbawa na lamang niya ang mga office furnitures na gawa sa bansa.

“Government should set an example, they should buy local. We need to have a policy in place wherein priority is given to local manufacturers in the procurement process,” dagdag ng senador.

Paliwanag niya at base sa Government Procurement Reform Act, pinapayagan ang  pagkuha  sa pinakamababang domestic bid basta hindi higit 15 porsiyento ang taas ng halaga sa pinakamababang foreign bid.

Ngunit aniya hindi ito sapat para mapaunlad ang lokal na industriya.

Sa pagdinig, nabanggit din ang hindi pagsuporta ng pribadong sektor sa mga produktong gawang-Pinoy.

TAGS: news, Radyo Inquirer, sonny angara, Tatak Pinoy, news, Radyo Inquirer, sonny angara, Tatak Pinoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.