339 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon

By Chona Yu June 23, 2023 - 10:35 AM

 

Walang volcanic earthquake na naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology,  339 na rockfall events at 13 dome collapse pyroclastic density current events ang naitala sa bulkan.

Mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.5 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.8 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater ang naging aktibidad ng bulkan.

Nasa 706 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Nasa 750 metrong taas na may katamtamang pagsingaw at napadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog-kanluran ang plume

Sa ngayon, nanatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.

 

TAGS: bulkan, mayon, news, Radyo Inquirer, volcanic earthquake, bulkan, mayon, news, Radyo Inquirer, volcanic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.