Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaring ideklara na ang simula ng El Niño sa susunod na linggo.
Magugunita na noong nakaraang buwan, itinaas na ng PAGASA ang El Niño Alert status dahil inaasahan na ngayon Hunyo ang weather phenomenon.
Kapag may El Niño, na idinudulot ng pag-init ng ibabaw ng Central at Eastern Pacific Ocean, maaring magkaroon ng sinasabing “below-normal rainfall conditions,” na makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.
Maaring makaranas naman ng matinding tag-tuyot ang ilang bahagi ng bansa, partikular na sa timog at silangan.
Samantalang ang malakas na pag-ulan ay maaring maranasan sa hilagang bahagi ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.