June 20 idineklarang National Refugee Day

By Chona Yu June 22, 2023 - 03:33 PM

 

Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang na National Refugee Day ang June 20 kada taon.

Batay sa Proclamation No. 265 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., binibigyang halaga ng Palasyo ang dignidad ng bawat tao at siniguro ang buong respeto sa karapatang pantao.

Isang inter-agency committee ang bubuuin para sa mga refugee.

Inaatasan ang komite na tiyaking maayos  ang mga polisiya para  sa proteksyon ng mga refugees, stateless persons at asylum.

Ang hakbang na ito ng Palasyo ay nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023 hanggang taong 2028 na naglalayong tulungan ang mga nangangailangan lalo na ang mga naapektuhan ng gulo o giyera.

Nakabatay rin ang deklarasyon ng Palasyo sa taunang selebrasyon ng World Refugee Day na itinalaga ng United Nations tuwing June 20.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, refugee, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, refugee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.