Duterte, kailangan pa ng karagdagang panahon para sugpuin ang ASG
Nangako si incoming President Rodrigo Duterte na aayusin ang problema sa Abu Sayyaf sa Mindanao, ngunit humingi siya ng karagdagang panahon para dito.
Inamin ni Duterte sa mga negosyanteng nakaharap niya sa isang consultative workshop na hindi naman niya ito agad-agad na magagawa kaya humihingi siya ng sapat na panahon para ito ay resolbahin.
Balak ni Duterte na ayusin muna ang peace talks sa mga Moro bago niya harapin ang Abu Sayyaf, upang matiyak niya na walang pumoprotekta sa mga terorista.
Naniniwala rin ang susunod na pangulo na oras na makamit ang kapayapaan sa Mindanao, mas maraming investors ang maaakit sa Pilipinas.
Ibinahagi rin niya ang kaniyang pangarap na magkaisa ang mga Pilipino at magkaroon ng kapayapaan sa Pilipinas.
Umaasa rin si Duterte na matulungan siya ng Panginoon na maisakatuparan ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.