FVR, Lacson may payo sa uupong Chief PNP

By Kathleen Betina Aenlle June 22, 2016 - 04:23 AM

 

Ronald dela rosaHumingi ng payo ang susunod na mamumuno sa Philippine National Police (PNP) na si Chief Supt. Ronald “Bato” dela Rosa kina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Senator-elect Panfilo Lacson na pawang mga dating umupo sa parehong posisyon, pati na rin kay outgoing PNP chief Director General Ricardo Marquez.

Ang mga hininging payo ni Dela Rosa kina Ramos, Lacson at Marquez ay kung paano mapamumunuan ang 160,000 na tauhan ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Dela Rosa, marami siyang natanggap at umaasa siyang makakatulong ang mga ito sa pagganap niya sa kaniyang magiging tungkulin.

Payo aniya sa kaniya ni Lacson na huwag magpapabulag sa kapangyarihan at pera, habang si Ramos naman, binigyan siya ng “technical advice” sa kung paano magpapatupad ng counterinsurgency measures laban sa New People’s Army at Moro National Liberation Front (MNLF).

Pero aniya, ang pinakamagandang payo na kaniyang natanggap ay mula kay Marquez, dahil sinabihan lamang siya nito na maging ama ng buong organisasyon ng mga pulis.

Bago siya manungkulan sa susunod na buwan, ipinangako ni Dela Rosa sa publiko na ang tangi niyang bitbit sa kaniyang paninilbihan ay ang malinis na puso at konsensya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.