Binay sa DOH: Pag-isipan ang pagkuha ng unlicensed nurses

By Jan Escosio June 20, 2023 - 03:31 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Umapila si Senator Nancy Binay sa Department of Hna pag-aralan muna ng husto ang balak na pagkuha ng mga “board eligible” ngunit hindi pa lisensiyadong nurses.

Sinabi ni Binay na makakabuti kung aalamin ang posisyon sa isyu ng lahat ng kinauukulang sektor sa pamamagitan ng malawakang konsultasyon. Dagdag pa niya, dapat din munang mailatag ng kagawaran ang  malinaw at konkretong programa sa mga ospital sa pagtugon sa kapakanan ng mga healthcare workers. Diin niya ang pinakamabuting gawin ay bigyan trabaho ang mga walang trabahong licensed nurses. Panahon na rin, dagdag pa ni Binay, na bigyan ng makatarungang suweldo, benepisyo at trabaho ang public nurses. Pagtitiyak niya ang suporta ng Senado para mapagbuti ang katayuan ng sektor ng pampublikong kalusugan sa bansa.

TAGS: board, doh, nurses, public health, board, doh, nurses, public health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.