Mas mahabang videoclips, pwede na sa Twitter

By Jay Dones June 22, 2016 - 04:19 AM

 

Mula sa adweek.com

Maari nang mag-post ng mas mahabang mga video clips sa Twitter.

Ayon kay Jack Dorsey, co-founder ng sikat na microblogging site, kung dati ay hanggang 30 segundo lamang ang maaring i-post sa Twitter, ngayon ay maari na ditong mag-upload ng hanggang sa 140 segundo.

Paliwanag ni Dorsey, ang pagbabago sa Twitter ay bahagi ng kanilang patuloy na innovation.

Bukod sa mas pinahabang video, maari na ring pagkakitaan ng mga video publisher ang kanilang mga videoclips na naka-upload sa Vine, ang video streaming service ng Twitter. Pahahabain na rin ng hanggang 140 seconds ang mga video sa Vine na dati ay tanging 6 na segundo lamang ang pinapahintulutan.

Sa Instagram na mga kakompetisyon ng Twitter, maaring mag-post ng hanggang 45 seconds ng video samantalang sa SnapChat naman ay sampung Segundo lamang.

Samantala, ang Facebook Live ay may kapasidad na mag-post ng hanggang 45 minuto.

Matindi ang kompetisyong kinakaharap ng iba’t-ibang social media sites na patuloy na nagbabago ng mga paraan upang makaengganyo ng mga followers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.