Mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 1.5 kilometro ang naitala sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, gumuho ang lava ng 3.3 kilometro mula sa crater o bunganga ng bulkan patungo sa Mi-isi at Bonga Gullies.
Walang volcanic earthquake na naitala sa bulkan.
Gayunman, nasa 265 rockfall events naman ang naitala magdamag at limang pyroclastic density current events.
Nasa 889 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Sa ngayon, nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.