Peoples Initiative or Binay Initiative

June 17, 2023 - 06:43 AM
Isang petition letter ang kumakalat ngayon sa Enlisted Men Barrio (Embo) Barangay sa Makati City kung saan hinihimok ang mga residente na lumagda sa isang petisyon na nanghihikayat na iakyat ang usapin ng Makati-Taguig territorial dispute sa Kongreso. Nakapaloob sa isang pahinang petition letter na may kapangyarihan umano ang Kongreso na magtakda ng referendum o people’s initiative sa ilalim ng 1987 Constitution, layunin ng petisyon na mangalap ng sapat na pirma para pakinggan ang petisyon ng mga mambabatas. Walang nakalagay na pangalan kung sino ang namuno sa ipinakakalat na petisyon maliban lamang sa “Mamamayan ng Makati”. Nakasaad pa dito na ang paghingi ng pagsaklolo sa Kongreso ng mga residente ay magiging “last recourse” matapos na magpalabas ng pinal na desisyon ang Korte Suprema na nagtatakda na ang 10 Embo barangays kabilang ang Bonifacio Global City ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City. “dumating sa aming buhay na sa utos ng Korte Suprema na sinasabing ang EMBO ay sakop ng Taguig na labis na nagdulot sa aming ng kalituhan at kulungkutan; kung kaya’t sa pamamagitan nito ay magalang na hinihiling sa pamamagitan ni Congressman Kid Pena at Congressman Luis Campos  ang pagkakaroon ng referendum  batay sa people’s initiative clause ng 1987 Constitution nakasaad sa petisyon. Ikinatwiran pa sa petisyon na minsan nang kinilala ng Kongreso ang pagiging lehitimo ng Embo nang isabatas nito ang pagkakaroon ng ikalawang distrito ng Makati kaya naman ito din ang magreresolba sa Taguig-Makati territorial land dispute. Ang lumabas na signature drive ay kabaligtaran sa tunay na sintimyento at  sa natanggap ng mga ilang opisyales ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na liham mula sa mga residente ng Makati na humihiling na bilisan ng lungsod ang gagawing transition. Tumanggi ang mga opisyales ng Taguig  na isapubliko ang pangalan ng grupo ng mga residente sa Makati para na rin sa kanilang proteksyon, anila, sa nasabing liham ay ikinuwento ng ilang residente ang sitwasyon sa kanilang barangay na ang mga hayagang nagpapakita ng kanilang suporta sa Taguig ay sapilitang pinagbibitiw sa trabaho. “Other employees were forced to make a letter addressed to Malacanang that they don’t like Taguig. If they do not submit, they cannot get their midyear bonus. The same things are being imposed on some private citizens especially those with businesses”. Ayon sa mga residente nais nilang makawala sa kaguluhan na nangyayari dahil sa awayan. “Please extend the needed hope for our constituents who only want to be free from suppression and cruelty that has been a result of the family feud of the Binay siblings. Our people only want to have a decent life and work,” nakasaad pa sa liham. Inamin pa ng mga residente na ang sa likod ng mga negatibo at paninira sa Taguig ay mismong mga barangay officials na pawang appointed o nasa hold over position. “They are not doing service to the people, instead they are busy suppressing and twisting the mindset of the people on the issue of Taguig vs Makati” ayon pa sa mga residente. Ang 30 taong territorial dispute ng Makati at Taguig ay nadesisyunan na ng Korte Suprema, iniutos nito na ang BGC at Embo barangays ay sakop ng Taguig at inutos din nito ang agarang implementasyon ng kautusan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.