Public infrastructures pinasusuri ni Revilla dahil M6.3 quake

By Jan Escosio June 15, 2023 - 07:32 PM

SENATE PRIB PHOTO

Hinikayat ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na agad suriin ang mga gusali at imprastraktura kasunod ng Magnitude 6.3 earthquake kaninang umaga.

Sinabi  ng namumuno sa Senate Committee on Public Works na kailangan matiyak na ligtas ang mga imprastaktura para naman matiyak ang  kaligtasan ng publiko.

Aniya sa tuwing may sakuna o kalamidad kailangan ang maagap na pagkilos at pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Partikular niyang hinimok ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad tugunan ang anumang pangangailangan na idinulot ng lindol sa mga pampublikong imprastraktura, tulad ng mga kalsada, tulay at gusali.

At sabi pa ni Revilla na agad ayusin ang anumang pinsala na idinulot ng lindol para matiyak ang integridad ng imprastraktura.

Bukod dito, dapat din aniya tukuyin ng DPWH ang mga dapat na palitan o ayusin para mapaglaanan ng pondo sa susunod na taon.

 

TAGS: DPWH, earthquake, minor damages, DPWH, earthquake, minor damages

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.