Bumaba pa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID 19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research group.
Sinabi ni OCTA Research fellow Guido David, mula sa 14.6 percent noong Hunyo 6 bumaba sa 9.4 percent kahapon, Hunyo 14, ang positivity rate sa Kalakhang Maynila.
Base sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO), 5% pababa ang dapat na positivity rate upang maituring na “under control” ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.
Noong Lunes, base sa COVID 19 bulletin ng Department of Health (DOH), karagdagang 6,630 COVID 19 cases ang naitala noong Hunyo 5 hanggang 11, na may daily average na 947 infections.
Ito ang mababa ng 27% kumpara sa naitalang bagong kaso noong Mayo 29 hanggang Hunyo 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.