Presidential plane nagka-aberya, PBBM ok naman – Malakanyang
Nagkaaberya ang sinakyang eroplano ni Pangulong Marcos Jr.
Patungo sana ng South Cotabato ang Pangulo para pasinayaan ang Consolidated Rice Production and Mechanization Program and Universal Health Care Program sa South Cotabato.
Sinabi ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, nagkaroon ng technical issue ang eroplano kung kaya bumalik na lamang ito sa Villamor Airbase sa Pasay City para magpalit ng eroplano.
“The President is okay,” pahayag ni Garafil.
Sa abiso ng Malakanyang, alas-9 ng umaga sana ang simula ng programa, ngunit alas- 12 tanghali nanakapagsimula ang programa dahil sa aberya.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos, agad naman itong humingi ng paumanhin sa mga magsasaka na naghintay ng ilang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.