Lumilikas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon, dumadami

By Jan Escosio June 13, 2023 - 09:12 AM

 

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kinakailangang lumipas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nasa 14,376 indibiduwal mula sa halos 3,900 pamilya mula sa 21 barangay sa mga bayan na nakapaligid sa bulkan ang lumikas.

Nakataas ang Alert Level 3 nangangahulugan na maaring magkaroon ng mapaminsalang pagsabog sa mga darating na araw o linggo.

Wala pa naman naitalang namatay o nasaktan dahil sa kondisyon ng Bulkang Mayon.

Kasabay nito, ipinag-utos ni Health Sec. Ted Herbosa ang pagpapadala ng mga karagdagang gamot sa rehiyon, gayundin ang mas madaming medical teams sa mga evacuation centers para tiyakin ang maayos na kalusugan ng evacuees.

“Let us help the people, the ones in the evacuation centers with all our resources and expertise,” bilin ng kalihim.

TAGS: Albay, Bulkang Mayon, news, Radyo Inquirer, Albay, Bulkang Mayon, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.