National government agencies pinagtitipid sa paggamit ng tubig

By Chona Yu June 09, 2023 - 03:32 PM

 

Inatasan ng Palasyo ng Malakanyang ang lahat ng national government agencies na magtipid sa paggamit ng tubig.

Ito ay bilang paghahanda sa El Niño o panahon ng tagtuyot.

Base sa Memorandum Circular 22 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kinakailangan na magkaroon ng water conservation at magkaroon ng 10 percent water reduction.

Bukod sa lahat ng national government agencies, saklaw ng kautusan ang government-owned corporations, state universities at colleges.

Inatasan ng Palasyo ang bagong tatag na Water Resources Management Office (WRMO) na pangunahan ang implementasyon ng pagtitipid ng tubig.

Inaatasan din ang WRMO na magbigay ng quarterly updates sa Office of the President sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary.

Inaatasan naman ang Water Utilities Administration, National Water Resources Board, at Metropolitan Waterworks and Sewerage System na magsumite ng monthly supply-demand projection.

Inaatasan din ang government-run at private water service providers (WSPs) na magpatupad ng water conservation measures gaya ng non-revenue at pressure management.

 

 

TAGS: El Niño, Ferdinand Marcos Jr., Lucas Bersamin, news, Radyo Inquirer, tubig, El Niño, Ferdinand Marcos Jr., Lucas Bersamin, news, Radyo Inquirer, tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.