Pumatay sa Oriental Mindoro broadcaster inireklamo na ng SITG

By Jan Escosio June 09, 2023 - 11:15 AM
Inihain na sa Calapan City Prosecutors Office ang mga reklamong kriminal laban sa hindi pa nakikilalang suspek sa pagpatay sa isang broadcaster. Sinabi ni  MIMAROPA Police Regional Director, Brig. Gen. Joel Doria ang binuong Special Investigation Task Group ang nagsampa ng reklamo sa suspek sa pagpatay kay Cresenciano Bundoquin. “The SITG has completed its initial findings by referring appropriate criminal complaints against the second suspect,” ani Doria. Magugunita na ang 50-anyos na komentarista ng dwXR 101.7 Kalahi FM MUX Online Radio ay pinagbabaril sa tapat ng kanyang tindahan sa Barangay Sta. Isabel, sa lungsod madaling araw ng nakaraang Mayo 31. Namatay ang isa sa dalawang salarin ng aksidenteng mabangga ang kanilang motorsiklo ng humabol sa kanilang anak ng biktima. Kinilala ang nasawing suspek na isang Narciso Ignacio Guntan, samantalang nakatakbo ang kanyang kasamahan.

TAGS: broadcaster, Murder, news, Oriental Mindoro, Radyo Inquirer, broadcaster, Murder, news, Oriental Mindoro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.