Mahalaga ang papel na ginagampanan ng Filipino-Chinese na negosyante sa bansa, ayon kay Pangulong Marcos Jr.
Sa talumpati sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na malaki ang ambag ng grupo sa pag-unlad ng bansa.
“Now, more than ever, we call on our reliable partnership with the Federation as we strive to revitalize and transform our economy in this critical period of our history,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Dagdag pa niya: “As in every mutually beneficial partnership, the Federation will rest assured that this Administration will continue to support this healthy relationship.”
Pangako ng Pangulo, patuloy na pakikinggan ang hinaing ng mga negosyante sa bansa para mapaganda pa ang pagnenegosyo at may mga inisyatibo na ang administrasyon para matugunan ang mga problema ng mga negosyante.
Kabilang dito ang fiscal incentives system at iba pang strategic interventions.
“So as part of this Administration’s agenda, partnerships with the private sector have been actively pursued and nurtured, in recognition of this essential role that you play in our development,” he stressed, expecting the FFFCCII to remain the government’s dependable ally in the pursuit of prosperity, inclusivity, and resiliency,” ayon pa sa Punong Ehekutibo.
Nagpasalamat ang Pangulo sa FFCCCII sa pagsisilbing tulay ng Pilipinas sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.