Bagyong Chedeng lumakas at lalakas pa

By Jan Escosio June 07, 2023 - 08:01 AM

Lumakas at maaring lumakas pa ang bagyonh Chedeng jhabang nasa ibabaw ng Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) .

Sa 5 am bulletin, sinabi ng PAGASA na sa loob ng tatlong hanggang apat na araw ay maaring lumakas pa ang bagyo at maging severe tropical storm mamayang gabi.

Dagdag pa ng PAGASA, posible na mas lalakas sa Biyernes o Sabado ang bagyo.

Huling namataan ang bagyo sa distansiyang 1,060 kilometro Silangan ng Southeastern Luzon at kumikilos sa direksyon na Kanluran Hilagang-kanluran sa Philippine Sea.

Taglay nito ang lakas na hangin na 65 kilometro kada oras at bugso na aabot 80 kilometro kada oras.

Hindi inaasahan na tatama ito sa kalupaan bagamat maaring paigtingin nito ang habagat.

 

 

 

TAGS: Bagyo, chedeng, Pagasa, philippine sea, Bagyo, chedeng, Pagasa, philippine sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.