Kongreso tiniyak ni Villanueva na tutukan ang paggamit ng Maharlika Investment Fund
Gagamitin ng Kongreso ang “oversight functions” nito kung lilihis sa mga probisyon ang paggamit ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Ito ang tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva Aniya kapag napirmahan na ni Pangulong Marcos Jr., ang panukala upang maging ganap na batas, hihintayin nila ang gagawing implementing rules and regulations (IRR) ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF) at iba pang kinauukulang mga ahensiya.“Kahit anong gawin nila (No matter what) they cannot deviate from the spirit of the law. We have the oversight, so we can always call on them, especially if they have plans to deviate,” paniniguro ni Villanueva.
Giit ng senador mahigpit ang Senado sa probisyon na nagbabawal sa paggamit ng pension funds ng Government Service Insurance System (GSIS) at ng Social Security System (SSS) bilang “seed fund” sa MIF.
Inamin naman ni Villanueva na hindi ipinagbabawal na gamitin ang MIF sa mga pamumuhunan ng GSIS at SSS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.