Pagbagal ng inflation, patunay na nasa tamang landas ang Marcos admin

By Chona Yu June 06, 2023 - 04:44 PM

 

Nasa tamang landas ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtugon sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa video message, sinabi ng Pangulo na isang encouraging news ang pagbagal ng inflation.

Welcome aniya ang naturang balita lalot lumalakas din ang employment rate sa Pilipinas.

“Today we received encouraging news that our inflation rate has now gone down – our headline inflation rate has gone down from 6.6 percent to 6.1 percent, and our employment figures are also improving,” pahayag ng Pangulo.

“And so, it would seem that we have started off in the right direction, on the right foot. Tama naman yata ang ating ginawang mga polisiya para buhayin ulit at gawing masigla ulit ang ating ekonomiya,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 6.1 percent na lamang ang inflation noong buwan ng Mayo kumpara sa 6.6 percent noong buwan ng Abril.

“Sa ngayon, ‘yung growth rate natin ay maganda pa rin at siguro isa na sa pinakamaganda sa buong mundo ang ating growth rate. So lumalaki nang lumalaki at sumisigla ang ating ekonomiya,” pahayag ng Pangulo.

“Kaya’t mukhang tama ang ating ginagawa. Ipagpatuloy natin ang ginagawa natin para naman makita natin na bumalik tayo sa magandang sitwasyon ulit,” dagdag ng Pangulo.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., good news, Inflation, news, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., good news, Inflation, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.