Mga nakatambak na baterya ng sasakyan, ugat ng sunog sa Manila Central Post Office
Isinantabi na ang teorya na sinadya ang sunog na tumupok sa makasaysayang Manila Central Post Office sa Plaza Lawton noong nakaraang Mayo 22.
Ibinahagi ng Philippine Postal Corp (Philpost) ang resulta ng pag-iimbestiga ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ang ugat ng sunog ay ang nakaimbak na mga baterya ng sasakyan sa basement ng gusali.
Ikinukunsidera na rin ng BFP na “closed and solved” ang kaso.
Base sa fire clearance certificate na inisyu ng BFP nagsimula ang sunog sa timog bahagi ng basement, partikular sa Mega Manila Storage Room, kung saan nakaimbak ang mga office supplies, thinners, at pintura katabi ng mga baterya ng sasakyan.
Dahil madaling masunog ang mga nabanggit na bagay, nagkaroon muna ng pagsabog bago kumalat ang apoy at ang nagsilbing mitsa ay ang mga baterya ng sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.